Andrea Brillantes, naka-10M followers na sa IG
- BULGAR

- Sep 21, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | September 21, 2020

Nag-post sa Instagram ng 2 photos na may nakalagay na “10” ang aktres na si Andrea Brillantes dahil umabot na sa 10 million ang kanyang IG followers.
Kaya nitong Linggo ay nagpasalamat siya sa kanyang mga fans at supporters.
Post ni Andrea sa kanyang IG account, “Happy10M. Never ko po inakala na aabot ako sa 10M. Sobrang saya ko na dati sa 500K, tapos ngayon P10M na kayo na fino-follow ako, 'di ako makapaniwala na may ganu’n kadaming tao na gustong makita ang mga daily posts ko, grabe. "Maraming salamat sa bawat isa sa inyo. Ang dami kong na-achieve nang dahil sa inyong lahat. Thank you ulit and I love you all so much.”





Comments