top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Anak, pinatay ng ama

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 30, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 30, 2023


ALBAY -- Isang 25-anyos na binata ang namatay nang saksakin ng kanyang ama kamakalawa sa Bgy. Mabini, Legazpi City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Richard Mirandilla, samantalang ang suspek ay ang ama nito na si Jesus, 63, kapwa nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ama at pagkatapos ay sinaksak ng suspek ang biktima.


Agad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Kusang sumuko sa pulisya si Jesus na nahaharap sa kasong parricide.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page