top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Anak dinedbol ng erpat

BULGAR
Oct 21, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 21, 2022


PANGASINAN—Isang 38-anyos na anak na lalaki ang pinatay sa saksak ng kanyang ama kamakalawa sa Bgy. Bolosan, San Carlos City.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Sammy de Guzman, samantalang ang suspek ay ang ama nitong si Salvador, 68-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ang mag-ama ay nagkaroon ang mga ito ng pagtatalo kaya pinagsasaksak ng suspek ang kanyang anak.


Kaagad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Kusa namang sumuko sa pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page