ni Ambet Nabus @Let's See | Nov. 29, 2024
Photo: John Wayne Save at VIlma Santos-Recto - Circulated IG
“In my own little and humble way, of course I’m more than willing to help,” pahayag ni Queen Star for All Seasons Vilma Santos sa usapin kay John Wayne Sace.
Sa katatapos lang kasing Retrospective event sa University of Santo Tomas (UST) ay naipalabas ang ilan sa mga klasikong movies ni Ate Vi, kasama na ang Dekada '70.
Sa naturang movie nga niya nakasama si John Wayne na napakaguwapo at mahusay bilang kanyang bunsong anak sa kuwento na tinalakay ang mga naganap noong Martial Law in the '70s.
At dahil nakakulong ngayon si John Wayne sa salang pagpatay, higit nitong kinakailangan ang suporta at gaya ng winika ni Ate Vi, “Ipagdasal natin s’ya. Nakakalungkot na nangyari ‘yun sa kanya at since naging anak ko rin naman s’ya kahit sa movie lang, hangad ko na malampasan at makayanan n’ya ang ganitong pagsubok ng buhay. Wala pa lang nagri-reach out, pero I’m here to help in my own little way.”
Sa Dekada '70 rin gumanap na mga anak ni Ate Vi at naging award-winning actors sina Piolo Pascual, Marvin Agustin, Danilo Barrios at Carlos Agassi.
Year 2002 pa nang ipalabas ang ngayo'y isa nga sa mga best movies of all time sa local cinema subali't ang mga isyu at pangyayari sa lipunan ay laganap at nagaganap pa rin ngayong 2024.
MEANWHILE, ang bongga-bongga ng schedule ng promo ng Uninvited, ha?
Ang bawat cast member ay binibigyan ng pagkakataon ng Mentorque Productions na magkaroon ng moment para ipakilala nila ang kanilang mga galing sa movie.
Napanood namin ang interview kina Elijah Canlas at Gabby Padilla na kapwa mga award-winning actors na sobrang proud sa pagkakasali nila sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry.
Sey pa ni Elijah, “Dream come true. Sino ba ang tatangging makasama sa movie ang isang Vilma Santos? I have worked with Kuya Aga (Muhlach) and some of the cast members but to be in a film with no less than Ate Vi, how can one go wrong?”
Segue naman ni Gabby, “I can only agree. Not in a thousand years that one is given such a chance. Hello, Ms. Vilma Santos? That’s the ultimate, as in ultimate!”
Ganu'n na ganu'n din ang datingan ng mga statement nina RK Bagatsing at Ron Angeles nang sumunod namin silang mapanood sa isang TV show.
Kahit nagbibida na nga raw si RK, “Walang isyu sa ‘kin kung isang eksena, masama ang karakter o extra ako sa isang Vilma movie na may Aga na, may Nadine (Lustre) pa. And this is the comeback movie of Direk Dan (Villegas).
“Well, we still have to listen to other cast members like Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez and the rest when their turn comes.”
“SINCE 1992, hindi na sila nawala sa buhay namin, sila ni Sec. Ralph (Recto), lalo na nu’ng mga times na talagang mga real and true friends sa buhay ang hinahanap namin,” pahayag nina kapatid Pipo at Lyn Cruz sa tanong kung kailan at paano sila naging magbi-BFF nina Ate Vi at Ralph.
Nakilala nga naman kasi sa showbiz si Tirso Cruz III bilang kahati ng Guy-Pip tandem na sikat na sikat noong araw at karibal ng Vi-Bobot.
Siyempre, mas identified si Pipo kay Nora Aunor, pero kinlaro nga nila ng asawa niyang si kapatid na Lyn na work at para sa mga fans nila noong araw ang kalakaran.
More than that, wala na. At dahil nagsimula nga silang ma-identify kina Vilma Santos at Ralph noon pang '90s, nagtuluy-tuloy ang maganda nilang samahan bilang mga kapamilya na, hanggang nitong 2024.
At sa dami na rin ng mga movies na kasama ni Ate Vi si kapatid na Pipo, gaya ngayong darating na Uninvited MMFF entry, “Tunay na pagkakaibigan at pamilya ang aming turingan, through thick and thin,” saad ng mag-asawang Cruz, na ngayo’y bumiyahe sa Osaka, Japan para sa short weekend vacay.
Comentários