Ambulansiya vs. tricycle, 5 nadale
@Balitang Probinsiya | Pebrero 23, 2023
AKLAN—Lima katao ang sugatan nang magkabanggaan ang isang ambulansiya at isang tricycle kamakalawa sa Brgy. Poblacion, Kalibo sa lalawigang ito.
Ang mga biktima ay nakasakay sa tricycle na minamaneho ni Gabriel Tapal, samantalang ang driver naman ng ambulansiya ay si Arnold Martin, pawang nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, kapwa umano mabilis ang takbo ng tricycle at ambulansiya kaya nagkabanggaan.
Nabatid na nagtamo ng sugat sa ulo at katawan ang mga pasaherong nakasakay sa tricycle ni Tapal at sa ngayon ay ginagamot na sila sa ospital.
Patuloy pa ang imbestigasyon para mabatid kung sino ang may pananagutan sa naganap na insidente.



Comments