Ama, sinaksak ng anak
@Balitang Probinsiya | Oct 30, 2021
CAPIZ—Sugatan ang isang ama nang saksakin ng kanyang anak kamakalawa sa Bgy. Canapian, Maayon.
Nakilala ang biktimang nagtamo ng isang saksak sa katawan na si Rogerlop Dorde, 64-anyos, samantalang ang suspek ay ang anak nitong si Eddie, 43-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ama na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima.
Sa pag-aakalang napatay niya ang kanyang ama ay mabilis na tumakas ang suspek.
Ginagamot na sa ospital ang biktima, samantalang pinaghahanap na ng pulisya si Eddie.



Comments