top of page

Ama sa QC na paulit-ulit ginahasa ang anak, arestado

  • Writer:  BULGAR
    BULGAR
  • May 9, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando @News | May 9, 2024


Nadakip ang isang ama sa Quezon City matapos gahasain ang sariling anak nang paulit-ulit.


Isang 14-anyos na bata ang nagsumbong ng panggagahasa sa kanya ng ama na nagsimula pa nu'ng 2022.


Ayon sa biktima, sinubukan nitong magsumbong sa ina ng ginagawang panghahalay ngunit hindi siya pinaniwalaan nito kaya nagtuloy-tuloy ang pang-aabuso ng ama.


Muling nakaranas ng panghahalay ang bata nu'ng Mayo 5 kaya humingi na ito ng saklolo sa simbahan upang mag-file ng report sa National Bureau of Investigation (NBI).


Base sa report, nagtatrabaho gabi-gabi ang ina ng bata kaya halos araw-araw ginagalaw ng ama ang biktima sa sarili nilang bahay.


Agad namang nadakip ng NBI - Violence Against Women and Children Division (NBI–VAWCD) ang suspek na ngayon ay nakakulong na sa NBI Detection Facility sa New Bilibid Prison.nila ni Aiko.

 
 
 

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page