Albularyo, nilikida ng riding-in-tandem
- BULGAR

- Nov 27, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 27, 2020
NORTH COTABATO—Isang albularyo ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Makilala.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Ulysses Mirabueno, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Mirabueno ag kanyang motorsiklo ay biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.
Nang matiyak na patay na ang biktima, mabilis na tumakas ang mga suspek.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga salarin.



Comments