Aktres, wa' give, kinalampag… LOLA NI ANGELICA, MAY SAKIT, HUMIHINGI NG TULONG
- BULGAR

- Aug 22, 2020
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 22, 2020

Isang concerned citizen ang nag-post ng panawagan para kay Angelica Panganiban dahil nangangailangan daw ng tulong ang kanyang grandmother na si Aling Leoning.
Sabi ng Twitter user na si @ChakaAkoBlog (Tonya Wiggins) nu’ng August 7, “Angelica Panganiban’s REAL lola Aling Leoning is in dire need of help in amidst of the worsening pandemic."
Dagdag ng nag-tweet, kilala niya nang personal ang lola ni Angelica at matagal na raw na wala itong natatanggap na financial assistance mula sa aktres.
Kalakip ng post ang prescription mula sa doktor kung saan kailangang-kailangan nito ang pambili ng gamot na inireseta sa kanya.
Habang isinusulat namin ito, hindi lang namin alam kung nakarating na sa aktres ang naturang panawagan.





Comments