top of page
Search
BULGAR

Aktres, tuwang-tuwa pa… ALEX, PINAIYAK ANG BUNSO NI TONI

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Oct. 27, 2024




Dahil sa kalurks na kulitan nina “Tata at pamangkin”, super trending ngayon sa social media ang bagong ganap ni Alex Gonzaga nitong Biyernes, Oktubre 25, kung saan kasama niya ang kanyang cutie-patootie pamangkin na si Paulina Celestine “Polly” Soriano. 


Sa kanyang Instagram (IG) reel, todo-fun si Alex habang nilalagyan ng iba’t ibang socmed filters ang mukha ni Baby Polly. 


Pero, mga ateng, imbes na mag-react nang ‘kaaliw ang baby, nauwi sa hagulgol si Polly sa halos lahat ng filters!


Ang reaksiyon ni Polly? As in mega-iyak! Pero ang Tata Alex? Walang prenong tawa! 

Siyempre, pak na pak ang kulitan vibes nila, kaya ang mga netizens—awra din sa katatawa. 


“Ito ‘yung napaiyak ko s’ya bago kami nagmahalan. Sabi sa ‘yo @celestinegonzaga, ‘wag mo iiwan sa ‘kin. Pero after nito, lablab ulit Tata and Polly,” caption ni Alex, na sinabayan pa ng lambing moment nila sa dulo. 


Kahit pa naluha si Polly, obvious na bet na bet ni Alex ang pagiging cool tita. Saan ka pa, ‘di ba?


Dagdag-tawa pa ang comment ng BFF niyang si Melai Cantiveros, “Hahahahaha! Alex, maawa ka sa bata,” na literal na pampadagdag-gulo sa tawanan sa comment section. 

Kalerky! Ang dami talagang naaliw sa duo nina Tata Alex at Polly—may iyakan, may tawanan, pero love na love pa rin ang isa't isa.


Hindi kataka-takang super viral agad ang video. Maraming fans ang nag-react at naaliw sa pagiging kalog ni Alex, lalo na’t kahit may drama at iyakan, ramdam pa rin ang closeness at sweetness nilang mag-tiyahin. Gusto mo ‘yun? Perfect example na kahit minsan, magulo at puno ng iyak, sa dulo, awrahan pa rin at lablab forever! 


 

NAPAPANAHON ang pelikulang Unlock mula sa Starmaker Entertainment Productions sa direksiyon ni Neal “Buboy” Tan. 


Talagang pak na pak ito dahil tatalakayin nito ang malalim na isyu ng gadget addiction at social media dependency—isang usaping patok hindi lang sa mga kabataan, kundi pati na rin sa mga magulang at guro.


Tulad ng Marites sa group chat, hindi na maitatanggi ang labis na pagkahumaling ng marami sa gadgets—mula sa umaga hanggang madaling-araw, scroll pa more. 


Pero hindi lahat ng kaganapan online ay nakakatulong. Sa Unlock, makikita kung paano naapektuhan ang pag-aaral at relasyon ng mga estudyante dahil sa labis na pagbabad sa socmed (social media).


Isa sa mga highlights ng pelikula ang relasyon sa pagitan ni Bimbo (Jeff Francisco), isang batang may potensiyal pero naligaw ng landas dahil sa distractions ng gadgets, at ni Marie, ang guro niyang ginagampanan ng versatile na aktres na si Melissa Mendez. 


“I try to motivate Bimbo para ma-unlock n’ya ang kanyang potentials bilang isang individual,” kuwento ni Melissa. 


Ang Starmaker Entertainment Productions, sa pamumuno ni Maria Villanueva Brown,

ang nasa likod ng makabuluhang pelikulang ito. 

Sa dedication ni Brown, hindi lang basta movie ang Unlock—isa itong pelikulang may intensiyong magmulat tungkol sa kahalagahan ng pagbalanse sa paggamit ng teknolohiya.


Real talk, mga besh, kailangan ng ganitong klaseng content para tulungan tayong mag-break free sa pagkaumay sa gadgets at bumalik sa tunay na koneksiyon sa mga tao sa paligid natin.


Star-studded ang cast ng pelikula na bukod kay Melissa Mendez, present din sina Rafael Rosell, Glenda Garcia, Pinky Amador, Julio Diaz, Myrna Castillo, Beverly Salviejo, Tanya Gomez, at ang napaka-promising ding young actress na si Patricia Nicz Villanueva. 

Abangan ang pelikulang ito, Ka-Bulgar! Huwag palampasin ang pagkakataong mapanood ang Unlock na puno ng aral, puso, at pangarap. Achieve na achieve! #Talbog

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page