top of page
BULGARY - VINCENT CO, TODO-IWAS SA MEDIA-FB Caesar Vallejos.jpeg

Agarang aksyon para sa mga biktima ng pag-aalburoto ng Mayon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 4
  • 1 min read

by Info @Editorial | May 4, 2026



Editoryal, Editorial


Muling nagbuga ng makapal na usok at abo ang Bulkang Mayon, at malinaw ang mensahe nito: hindi dapat mabagal ang pagtugon sa sakuna.


Sa ganitong sitwasyon, bawat minuto ay mahalaga. Ang ashfall ay delikado sa kalusugan at maaaring magdulot ng kaguluhan sa komunidad. Kaya dapat agad ang paglikas, mabilis ang distribusyon ng tulong, at handa ang mga evacuation center.


Kapag mabagal ang aksyon, buhay ang nalalagay sa panganib.


Hindi sapat ang simpleng babala. Kailangan ng konkretong kilos—maagang pagpapalikas, sapat na pagkain at gamot, at maayos na koordinasyon ng mga ahensya. 


Ang mabilis na pagsaklolo ang tunay na sukatan ng malasakit ng pamahalaan at mamamayan. Sa harap ng patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Mayon, ang pagiging maagap ay hindi opsyon—ito ay obligasyon.


Kaya sa mga opisyal na natutulog sa pansitan, magsigising na kayo at magtrabaho.

Panawagan din ang agarang paglalabas ng pondo. Huwag nang dagdagan ang hirap ng mga biktima. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page