Adik na tulak, tiklo sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | Oct 21, 2021
ALBAY—Isang adik na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Homapon, Legazpi City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Michael Reniva, nasa hustong gulang, residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng illegal drugs ng suspek ay agad itong inaresto ng mga awtoridad.
Nabatid na matapos makumpiskahan ng tatlong sachets ng shabu at markadong pera si Reniva ay isinailalim ito sa drug test at napatunayan na drug addict din ang suspek.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments