Abu Sayyaf member, todas sa engkuwentro
- BULGAR
- Nov 15, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 15, 2020
Basilan—Isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng terorista kamakalawa sa Bgy. Etub-Etub, Sumisip.
Ang suspek ay nakilalang si Hasid Salajim, miyembro ng ASG na nakabase sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nakita ng mga awtoridad si Salajim sa naturang barangay at darakpin sana ito, pero biglang pinagbabaril ng terorista ang tropa ng pamahalaan.
Kaagad namang gumanti ng putok ang mga kawal ng Philippine Army (PA) dahilan kaya napatay ang suspek.
Napag-alamang isang baril at mga bala ang nakumpiska ng mga awtoridad sa tabi ng bangkay ng terorista.



Comments