Abandonadong motorsiklo, natagpuan
@Balitang Probinsiya | February 27, 2022
CAPIZ–Isang abandonadong motorsiklo ang narekober ng pulisya kamakalawa sa liblib na lugar sa Bgy. Pangabat, Jamindan.
Ang narekober na motorsiklo ay itim na Honda HRM 110 na walang plaka.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa motorsiklo sa nasabing lugar.
Sa pagsisiyasat ng pulisya ay napag-alamang nawawala na ang ibang parte ng motorsiklo.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid sino ang nagmamay-ari ng motorsiklo.



Comments