Abandonadong kotse, natupok
@Balitang Probinsiya | Pebrero 6, 2023
AKLAN – Isang abandonadong kotse ang nasunog kamakalawa sa Bgy. Aranas, Balete sa lalawigang ito.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng may-ari ng abandonadong kotse.
Ayon sa ulat, nakita ng mga residente sa naturang lugar na biglang nag-apoy ang naturang sasakyan na nakaparada sa nasabing lugar.
Nabatid na wala namang nadisgrasya sa naganap na pagkasunog ng kotse.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid kung sinadyang sunugin ang sasakyan o faulty wiring ang sanhi ng sunog.



Comments