92-anyos na lolo, nagbigti
@Balitang Probinsiya | June 23, 2023
SORSOGON -- Isang 92-anyos na lolo ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Bibincahan, Sorsogon City sa lalawigang ito.
Sa kahilingan ng pamilya ay hindi na pinangalanan ang biktima na residente ng nasabing barangay.
Nabatid na ilang kaanak ng biktima ang nakatagpo sa nakabiting bangkay ng lolo sa loob ng bahay.
Ayon sa pamilya ng lolo ay wala silang alam na dahilan para magpakamatay ang biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa pagpapakamatay ng lolo.



Comments