900 na babae sa Peru, nawawala
- BULGAR

- Jul 28, 2020
- 1 min read
ni Twincle Esquierdo | July 28, 2020

Halos 900 na mga batang babae at kababaihan ang nawawala sa Peru dahil takot mamatay simula ng magkaroon ng COVID-19 sa kanilang bansa, ayon sa mga awtoridad nitong Lunes.
Mahigit 33 milyon noon ang nakatira sa bansang Andean ng magkaroon ng kakila-kilabot na karahasan. Ngunit ang COVID-19 ay kakaiba dahil nasa bahay lamang, nalugi ang mga negosyo at nagkaroon ng health crisis.
Ayon kay Eliana Revollar, na namumuno sa women’s rights office of the National Ombudsman’s office. Katakot takot na raw ito dahil halos tumagal ng 3 buwan at kalahati ang COVID-19.
Dagdag pa niya ay halos pitong pursiyentong menor de edad ang mawawala.
“During the quarantine, from March 16 to June 30, 915 women in Peru were reported missing,” aniya.
Sinabi rin ni Revollar na bago mag-COVID-19 ay lima kada araw ang napapabalitang nawawala sa Peru at nang nagkaroon ng lockdown ay umakyat ito sa walo kada araw.
Nahirapan silang hanapin ang mga nawawala dahil umano sa krisis na pinagdadaanan ng buong bansa.
Ngunit sinabi naman ni Walter Gutierrez, ang ombudsman, “We need to know what has happened to them.”
Ayon kay Revollar ay pipilitin niyang hanapin ang mga nawawalang babae sa Peru.
Gayunman, sinabi ng mga Women’s rights groups at NGOs na madalas tumatanggi ang mga pulisya na mag-imbestiga sa mga nawawalang babae kung ginagawa ba nila itong katuwa-tuwa o umaalis ito ng kusa sa kanilang mga tahanan.
Ngunit hindi ibig sabihin nito ay may nagaganap na karahasan laban sa mga kababaihan at sapilitang ginagawang prostitute.
Sa ngayon ang kaso ng COVID-19 sa Peru ay umabot na sa 384,000 at 18,229 ang mga nasawi.





Comments