top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

9 sabungero, nasakote sa tupada

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 25, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 25, 2020



BATANGAS—Siyam na sabungero ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagtutupada kamakalawa sa Bgy. Paligawan, Balete.


Nakilala ang mga suspek na sina Romeo Katigbak, Caesar Katigbak, Jaime Valencia, Quintin Llanes, Jeron Valdez, Allan Galvez, Fredirico Canoy, Vic Catanduanes at Wilma Camacho, pawang nakatira sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya na may kalalakihan nagsusugal sa tupada sa nasabing barangay kaya agad nagsagawa ng pagsalakay ang mga awtoridad at dinakip ang mga suspek.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga manok na panabong, cash at mga tari sa pag-iingat ng mga suspek.


Inihahanda na ngayon ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page