top of page
Search
  • BULGAR

9 sabungero, arestado sa tupada

@Balitang Probinsiya | January 20, 2021



PAMPANGA—Siyam na sabungero ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagtutupada kamakalawa sa Bgy. Dau, Mabalacat City.


Nakilala ang mga suspek na sina Randy Cunanan, Nesto Rodriguez, Fidel Nuqui, Ronel de Dios, Danilo Alfaro, Melhor Dulay, Arnes Abalos, Jorge Montilla, at Reynaldo Monticillo, pawang nakatira sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya na may kalalakihan nagtutupada sa nasabing barangay kaya agad nagsagawa ng pagsalakay ang mga awtoridad at dinakip ang mga suspek.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga manok na panabong, cash at mga tari sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page