9 miyembro ng BIFF, sumurender

@Balitang Probinsiya | October 26, 2020
MAGUINDANAO—Siyam na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan.
Para sa kanilang seguridad, hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong terorista na pawang nakabase sa nasabing lalawigan.
Nabatid na isinuko rin ng mga terorista ang kanilang mga baril at bala sa headquarters ng 57th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA).
Ayon sa mga sumukong terorista, ninais na nilang makapiling ang kanilang mga pamilya at makapagbagong-buhay kaya nagbalik-loob na sila sa pamahalaan.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong terorista para matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa gobyerno.



Comments