9 kataong lumalaklak ng alak, tiklo

@Balitang Probinsiya | December 4, 2020
ISABELA—Siyam katao ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nag-iinuman kamakalawa sa loob ng restaurant sa Bgy. Mabini, Santiago City.
Hindi na pinangalanan ng pulisya ang mga suspek na inaresto na pawang residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya na may nag-iinumang kalalakihan at kababaihan sa loob ng naturang restaurant at dahil may ipinaiiral na liquor ban sa lalawigan ay agad rumesponde at dinakip ng mga awtoridad ang mga suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng mga alak sa mga lamesang kinauupuan ng mga suspek.
Nabatid na sinampahan na ng kaso ang mga suspek, pati ang may-ari ng restaurant tungkol sa paglabag sa liquor ban sa lalawigan.



Comments