top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

9 huli sa aktong nagdodroga

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 1, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 1, 2023




PAMPANGA — Siyam na drug addict na nagsasagawa ng pot session ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa isang drug den sa Bgy. Dapdap, Malabalacat sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang isinasailalim sila sa masusing imbestigasyon.


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na gumagamit ng shabu ang mga suspek sa loob ng isang bahay ng isa sa mga adik kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dito nadakip ang siyam na sugapa sa droga.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 15 sachets ng shabu sa pag-iingat ng mga suspek.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad sa nasabing barangay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page