9 bahay natupok
Jan 26, 2023
1 min read
@Balitang Probinsiya | Enero 26, 2023
CAMARINES SUR — Siyam na bahay ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog kamakalawa sa Bgy. Calauag, Naga City sa lalawigang ito.
Ayon sa ulat, nakita na lamang ng mga residente na sumiklab ang sunog sa isang bahay at mabilis na kumalat ang apoy kaya nasunog din ang walo pang kabahayan.
Wala namang nadisgrasya sa insidente.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsala nito.



Comments