9-anyos nalunod sa ilog, dedo
@Balitang Probinsiya | April 26, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Isang 9-anyos na lalaki ang namatay nang malunod habang naliligo sa ilog na sakop ng Bgy. Daga, Cadiz City sa lalawigang ito.
Sa kahilingan ng pamilya ng biktima, hindi na pinangalanan ang nalunod na batang lalaki.
Nabatid na naligo ang bata kasama ang kanyang mga kamag-anak sa ilog sa naturang lugar, at nang magawi sa malalim na bahagi ng tubig ay dito nalunod ang biktima.
Napag-alaman na agad sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad nakita ang biktima na lumubog sa ilog.
Ayon sa ulat, nang dumating ang rescue team, saka lang natagpuan sa ilalim ng tubig ang bata, pero patay na ito nang maiahon sa ilog.



Comments