88M Pinoy, registered na para sa national ID — PSA
- BULGAR

- Jun 7, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @News | June 7, 2024

Sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Biyernes na halos 88-milyong Pilipino ang nakapagparehistro na para sa Philippine Identification System (PhilSys) ID o national ID.
Ayon kay Deputy National Statistician Fred Sollesta, malapit nang maabot ng gobyerno ang target na 92-milyon sa 2024.
"‘Yung remaining segment of the population na hindi pa nag-register hinihikayat talaga namin na magpa-rehistro na kayo para at least ma-experience niyo rin ‘yung advantages," saad niya sa Bagong Pilipinas Ngayon.
Giit pa niya, ang PhilSys ID ang magiging pinakamatibay na pagpapatunay ng pagkakakilanlan ng isang indibidwal.








Comments