top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

84 bahay, natupok

Writer: BULGAR
BULGAR
May 3, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 3, 2023


ILOILO—Nasa 84 bahay ang nasunog sa City Proper, Iloilo City sa lalawigang ito.


Ang sunog ay nagmula sa bahay ng isang nagngangalang Margarito Correa, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, nakita na lamang ng mga residente na biglang sumiklab ang sunog sa bahay ni Correa at dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay nadamay na nasunog ang 83 pang kabahayan sa naturang lugar.


Wala namang iniulat na nadisgrasya sa insidente.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog sa bahay ni Correa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page