top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

81-anyos na lolo pinagbabaril

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 22, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 22, 2023


BATANGAS — Isang 81-anyos na lolo ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Talumpok Silangan, Batangas City sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Bienvenido Delica, nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, habang nasa loob ng garahe ng kanilang bahay si Delica ay biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Delica.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page