top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

8 tulak, arestado sa drug den

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 3, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 3, 2024


BACOLOD CITY -- Walong drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa isang drug den sa Purok Lubi, Brgy. 3 sa lungsod na ito.


Pansamantalang hindi pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng pulisya.


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga otoridad na ginagawang drug den ang isang bahay sa naturang barangay kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga drug pusher.


Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng 30 gramo ng hinihinalang shabu at

mga drug paraphernalia.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page