top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

8 sabungero, arestado sa tupada

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 27, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 27, 2023


PALAWAN -- Walong sabungero ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa isang tupadahan sa Bgy. Oring-Oring, Brooke’s Point sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ng mga awtoridad ang mga suspek habang iniimbestigahan sila sa himpilan ng pulisya.


Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa mga awtoridad na may mga nagsasagawa ng ilegal na sabong sa naturang lugar kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dito nadakip ang walong suspek, samantalang mabilis na nakatakas ang iba pang sabungero.


Nakakumpiska ang mga operatiba ng mga manok na panabong, cash at mga tari sa lugar na pinagdausan ng ilegal na sabong.


Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong illegal gambling, samantalang pinaghahanap pa ng pulisya ang ibang nakatakas na sabungero.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page