8 pasahero sugatan sa banggaan ng bus at trak
@Balitang Probinsiya | March 9, 2023
CAMARINES SUR – Walong pasahero ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang isang pampasaherong bus at isang trak kamakalawa sa Bgy. Bel-Cruz, Lupi sa lalawigang ito.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilalan ng mga pasaherong biktima.
Ayon sa ulat, kapwa umano mabilis ang takbo ng bus at trak na aksidenteng nagkabanggaan sa nasabing barangay.
Nabatid na nagtamo ng sugat sa ulo at katawan ang mga pasahero habang ginagamot na sila sa ospital.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid kung sino sa driver ng bus at trak ang may pananagutan sa naganap na insidente.



Comments