top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

8 mangingisda tiklo sa illegal fishing

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 17, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 17, 2023



CAPIZ—Walong mangingisda ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pagsasagawa ng illegal fishing kamakalawa sa karagatang sakop ng Bgy. Libas, Roxas City sa lalawigang ito.


Pansamantalang hindi muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, dinakip ng mga awtoridad ang mga suspek dahil sa paggamit ng compressor sa panghuhuli ng isda sa nasabing karagatan.


Hindi naman nanlaban at kusang sumama sa pulisya ang mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek at sinampahan na sila ng pulisya ng kasong paglabag sa illegal fishing.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page