top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

8 bahay nasunog, sa Boracay

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 27, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 27, 2023

AKLAN -- Walong bahay ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog kamakalawa sa Brgy. Balabag, Boracay Island sa lalawigang ito.


Ang sunog ay nagmula sa tahanan ng hindi pinangalanang residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nakita na lamang ng mga residente na biglang sumiklab ang apoy sa isang bahay at dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay nadamay ang pito pang kabahayan sa naturang lugar.


Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.


Sa ngayon, inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi at halaga ng pinsala matapos ang sunod.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page