8-anyos nalunod sa ilog
@Balitang Probinsiya | July 26, 2023
NEGROS OCCIDENTAL — Isang 8-anyos na batang lalaki ang namatay nang malunod kamakalawa sa ilog na sakop ng Bgy. Daga, Cadiz City sa lalawigang ito.
Dahil menor-edad-edad, hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima.
Ayon sa ulat, naligo umano ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan sa ilog, pero nagawi ito sa malalim na bahagi ng tubig kaya ito nalunod.
Napag-alaman na agad sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad natagpuan ang biktima na lumubog sa ilog.
Nabatid na lumipas pa ang ilang oras bago natagpuan ang bata nang lumutang ang bangkay nito sa ilog.



Comments