top of page

8-anyos naligo sa ilog, nalunod

  • BULGAR
  • May 2, 2021
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | May 2, 2021


CAMARINES SUR—Patay ang 8-taong gulang na batang lalaki nang malunod habang naliligo sa ilog kamakalawa sa Bgy. Baay, Labo.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si John Kian Campita, nakatira sa Bgy. Dalas sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, kasama si John Kian ng kanyang pamilya na naligo sa ilog.


Nabatid na habang naliligo ay napagawi sa malalim na bahagi ng ilog ang biktima kaya ito nalunod.


Kaagad sumaklolo ang mga residente at kamag-anak ni John Kian at dinala sa ospital ang bata, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page