8-anyos na batang babae, pinatay ng sariling ama at stepmother
- BULGAR

- Aug 20, 2020
- 2 min read
ni Twincle Esquierdo | August 20, 2020

Isang batang babae ang pinagkaitan ng pagkain at hindi binigyan ng gamot ay pinatay umano ng kanyang sariling ama at stepmopther sa Minnesota, United States.
Natagpuang patay ng pulis si Autumn Hallow sa kanilang sariling bahay nitong nakaraang linggo, ayon CBS-owned WCCO.
Sinabi ni One Sabrina McWilliam, sa isang panayam na hindi na siya nagulat sa mga nangyari dahil madalas niyang naririnig ang pang-aabuso sa batang babae. Si One ay parehong nakatira sa apartment kung saan nakatira si Hallow.
“You can sit out here any time of the day and hear both of them screaming at these kids, cussing at them,”
Bago mamatay ang batang babae nabanggit ni McWillian na ilang beses itong tumawag sa mga pulis upang iulat ang nasabing insidente.
Ayon sa charge sheet, 45 pounds ang timbang ni Hallow nu'ng ito ay namatay, bago mamatay ay hindi ito pinakain, tinalian at inilagay sa sleeping bag at ulo lamang ang nakalabas ito ang ibinibigay na parusa sa kanya. ayon sa Star Tribune noong Agosto 17.
Nahaharap naman sa kasong second-degree murder at first-degree manslaughter charges ang ama ni Hallow na si Brett Hallow, 30, at stepmother, Sarah Hallow, 28, at makukulong ng walang piyansa, isang araw matapos matagpuang patay si Hallow.
Ayon sa nakababatang kapatid ni Hallow na 6-anyos, minsan ay tinatalian ng sinturon ng mag-asawa at inilalagay sa sleeping bag at nakalabas ang ulo. dito nila ito pinatutulog kung may nagawang pagkakamali ang bata tulad ng pag-ihi sa sahig o sa kanyang sariling damit at kapag sumusubok kumuha ng pagkain.
Ayon naman sa kanyang nakatatandang kapatid na 10-anyos, itinatali rin nila ito upang hindi makainom ng gamot.
Itinanggi naman ito ni Sarah ngunit inaming hindi niya napapansin na pumapayat ang bata, hindi niya rin ito dinadala sa ospital, habang ang ama naman ay hindi napansin na patay na ang kanyang anak dahil sinusubaybayan niya 'diumano ang mga anak sa panunuod tungkol sa COVID-19 pandemic.
Nag-post naman sa social media account ang ina ni Hallow na si Kelsey Krus at dito, inilabas ang kanyang sama ng loob tungkol sa mag-asawa.
"I hate you. I hate you both. You have been ruining my life for YEARS and now you have given me and my family a permanent scar. You took something we will never get back. You neglected and abused my son and when that wasn't enough you moved down the line of children you have. I will make sure that Autumn is remembered in the most beautiful way possible because she deserves nothing less. I wanted to give her the world and I will find a way to make sure I still do. I hope your other chidren know what you did and I hope they grow up knowing that their sister saved them."





Comments