75-anyos pinagsasaksak, todas
- BULGAR
- Feb 1, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | Pebrero 1, 2023
AKLAN – Isang 75-anyos na lolo ang namatay nang pagsasaksakin ng
kanyang kaalitan kamakalawa sa Bgy. Sugnod, Malinao sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na si Jolito Victoriano, samantalang ang suspek ay si Danilo Fernando, 52-anyos, kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo sina Victoriano at Fernando na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nabatid na sinampahan na ng pulisya ang suspek ng kasong murder at illegal possession of deadly weapon.



Comments