top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

75-anyos na lolo, todas sa van

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 25, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 25, 2021



CAMARINES SUR—Isang 75-anyos na lolo ang namatay nang mabangga ng rumaragasang van kamakalawa sa national highway ng Milaor.


Ang biktima ay nakilalang si Salvador Paradela, nakatira sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, tumatawid umano sa kalsada si Paradela nang mabangga ito ng rumaragasang van.


Dinala pa ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Hindi na pinangalanan ng pulisya ang driver ng van matapos itong kusang sumuko at mangakong sasagutin ang lahat ng danyos sa aksidenteng pagkakabangga niya sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page