74-anyos na lola natagpuang patay
- BULGAR
- Jan 13, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | Enero 13, 2023
CAMARINES NORTE—Isang 74-anyos na lola ang natagpuang patay kamakalawa na nakalutang sa ilog na sakop ng Bgy. San Lorenzo, Sta. Elena.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Cleofe Oliveros, nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan nilang bangkay ng biktima na nakalutang sa ilog.
May hinala ang mga awtoridad na maaaring aksidenteng nahulog sa ilog ang biktima at dahil sa katandaan, kaya ito nalunod.
Gayunman ay patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid kung may naganap na foul play o pagkalunod lang ang ikinamatay ng biktima.



Comments