top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

70 sabungero, timbog

Writer: BULGAR
BULGAR
May 2, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 2, 2023


NEGROS OCCIDENTAL—Pitumpung sabungero ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya, kamakalawa sa isang tupadahan sa Bgy. San Isidro, EB Magalona sa lalawigang ito.


Hindi muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa mga awtoridad na may mga nagsasagawa ng ilegal na sabong sa naturang lugar kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dito nadakip ang 70 suspek, samantalang mabilis na nakatakas ang iba pang sabungero.


Nakakumpiska ang mga operatiba ng mga manok na panabong, cash at mga tari sa lugar na pinagdausan ng sabong.


Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong illegal gambling, samantalang pinaghahanap pa ng pulisya ang ibang nakatakas na sabungero.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page