top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

70 bahay, tinupok ng apoy

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 19, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Ika-19 ng Pebrero, 2024


CEBU -- Nasa 70 kabahayan ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog kamakalawa sa Brgy. Pahinas Central, Cebu City sa lalawigang ito.


Ang sunog ay nagmula sa tahanan ng hindi pinangalanang residente sa naturang lugar.


Ayon sa ulat, nakita na lamang ng mga residente na biglang sumiklab ang sunog sa isang bahay at dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay nadamay ang 69 pang kabahayan sa naturang lugar.


Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi at halaga ng napinsala ng sunog sa nabanggit na barangay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page