70-anyos na NPA sumuko
@Balitang Probinsiya | Pebrero 28, 2023
BULACAN — Isang 70-anyos na lolong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa headquarters ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO) na nakabase sa Malolos City sa lalawigang ito.
Kinilala ang sumuko na si alyas Ka Lito, miyembro ng NPA na nag-o-operate sa Obando, Bulacan.
Nabatid na isinuko rin ng NPA ang dala niyang mga subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Sinabi ng sumukong komunista na nais na umano niyang magbagong-buhay kaya sumuko siya sa pamahalaan.
Isinasailalim na ngayon sa taktikal na interogasyon ang sumukong komunista.



Comments