7 tulak, timbog sa drug den
- BULGAR
- Aug 11, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 11, 2023
CAPIZ -- Pitong drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa isang drug den sa Bgy. 1, Roxas City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, may natanggap na impormasyon ang mga awtoridad na ginagawang drug den ang isang bahay sa naturang barangay kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga drug pusher.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng siyam na pakete ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments