top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

7 teroristang BIFF, sumurender

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 19, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 19, 2021



MAGUINDANAO—Pitong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Midtimbang, Datu Anggal Midtimbang.

Hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong terorista para sa kanilang seguridad.


Nabatid na isinuko rin ng mga terorista ang mga dala nilang baril, bala at pampasabog sa 2nd Mechanized Battalion ng Philippine Army (PA) na nakabase sa naturang lalawigan.


Ayon sa mga sumukong miyembro ng BIFF, nais na nilang magbagong-buhay kaya nagpasya silang magbalik-loob sa pamahalaan.


Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong terorista upang masigurong bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa gobyerno.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page