7 terorista, sumuko
@Balitang Probinsiya | March 30, 2023
MAGUINDANAO DEL SUR—Pitong miyembro ng teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Radjah Buayan sa lalawigang ito.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong terorista na pawang miyembro ng BIFF na nakabase sa Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, North Cotabato at Sultan Kudarat.
Ayon sa ulat, isinuko rin sa mga awtoridad ng mga terorista ang dala nilang mga armas at pampasabog.
Sinabi ng mga sumukong BIFF members na nais na nilang magbagong-buhay kaya nagbalik-loob na sila sa gobyerno.
Isinasailalim pa ngayon sa taktikal na interogasyon ang pitong sumukong terorista upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbaballik-loob sa pamahalaan.



Comments