top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

7 sugarol, tiklo sa mahjong at tong-its

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 17, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 17, 2020



LAGUNA—Pitong sugarol ang dinakip ng pulisya nang mahuli sa aktong nagma-mahjong at tong-its kamakalawa sa Bgy. 3, Calamba City.


Kinilala ang mga suspek na sina Christopher Sanji, Dorothy Lustre, Francisco Suizo, Alejandro Alida, Connie Deseo, Arlene Urza at Epifania Manguiat, pawang residente sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa mga awtoridad na may nagma-mahjong at tong-its sa naturang barangay kaya agad nagsagawa ng pagsalakay at inaresto ang mga suspek.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga mahjong paraphernalia, mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.


Samantala, inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page