top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

7 sugapa sa droga, timbog

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 17, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 17, 2021



CAMARINES SUR—Pitong drug addicts ang nadakip sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa drug den kamakalawa sa Bgy. San Juan, Baao.


Ang naarestong suspek ay nakilalang sina Rimel Dacara, Sofronio Agapito, Ma. Theresa Castillo, Vinvenido Baita, Elizabeth Beroin, William Embestro at Serafin Botin, pawang residente sa naturang lalawigan.


Ayon sa ulat, nalaman ng pulisya na ginagawang drug den ang bahay ng isang Eugene Baita kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dinakip ang mga suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng apat na sachets ng shabu, apat na sachets ng marijuana at mga drug paraphernalia sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, samantalang pinaghahanap pa si Eugene Baita.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page