top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

7 sabungero, huli sa tupada

BULGAR
Mar 14, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 14, 2021


BATANGAS—Pitong sabungero ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagtutupada kamakalawa sa Bgy. San Antonio, Sto. Tomas City.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Renaldo Abolon, Delmar Tabale, Paterno Ortillano, Jeremias Medrana, Reynante Manto, Rodel Bonlay at Carlito Manto, pawang residente sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, may nag-tip sa mga awtoridad na may kalalakihan nagtutupada sa nasabing barangay kaya agad itong sinalakay ng pulisya at dito nadakip ang mga suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang mga operatiba ng mga manok na panabong, cash at mga tari sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page