7 NPA, sumuko
@Balitang Probinsiya | May 4, 2023
ZAMBOANGA DEL SUR—Pitong miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan, kamakalawa sa bayan ng Dumingag sa lalawigang ito.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ang pitong sumuko na nag-o-operate sa lalawigan.
Napag-alaman na isinuko rin nila ang mga armas, bala sa subersibong dokumento.
Ayon sa mga sumukong miyembro ng NPA, nahihirapan na umano silang mamuhay sa bundok kaya sumuko sila sa pamahalaan.
Isinasailalim na ngayon sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong NPA.



Comments