7 NPA sa Cagayan, sumuko sa Isabela
@Balitang Probinsiya | Oct 24, 2021
ISABELA—Pitong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Cagayan ang sumuko sa mga awtoridad kamakalawa sa Ilagan City.
Hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong NPA para sa kanilang seguridad.
Ayon sa ulat, ang mga sumukong komiunista ay mga miyembro ng NPA-Regional Command na nakabase sa Cagayan.
Sinabi ng mga sumukong NPA na nais na nilang magbagong-buhay kaya nagpasya silang magbalik-loob sa gobyerno.
Patuloy pang isinasailalim sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong NPA upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan



Comments