Search
  • BULGAR

7 months na ang tiyan… ASSUNTA, BABY GIRL ANG PANGANAY

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 1, 2020




Ini-reveal na ni Assunta de Rossi ang gender ng kanilang anak ng mister na businessman-politician na si Jules Ledesma.


Seven months na ang ipinagbubuntis ng former actress kung saan sa loob ng 9 years nilang pagsasama ni Jules ay ngayon pa lang sila biniyayaan ng anak.


Katunayan, tinawag itong ‘miracle baby’ ni Assunta dahil may maselan siyang karamdaman.


Sa isang panayam, sinabi ni Assunta na “Yes, it’s a girl.”


Pagbabahagi pa niya, last Tuesday daw ay nasa St. Luke’s siya para magpa-congenital anomaly scan.


“'Yun nga, girl nga raw and almost 7 months na rin,” sey ng excited na elder sister ni Alessandra.


Super excited siyempre si Alex (palayaw ni Alessandra) sa pagkakaroon ng baby ni Assunta. Katunayan, nang malaman niyang buntis ang kapatid ay nagprisinta agad siyang maging ‘yaya’ ng pamangkin.


Sabi nga ni Assunta, malamang daw ay maging spoiled ang kanilang anak kapag si Alex ang naging ‘yaya.’

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.